Pagkamatay ng isang Chinese sa raid, dinepensahan ng BI

Pagkamatay ng isang Chinese sa raid, dinepensahan ng BI

DUMEPENSA at nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa pagkamatay ng isang Chinese na kidnapper sa isinagawa nilang raid sa Angeles Pampanga.

Paliwanag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na sinalakay ng fugitive search unit ng BI ang condominium sa Angeles Pampanga na ang subject ay ang grupo ng mga Chinese nationals na utak sa pagpatay sa siyam na tao at paglabag sa mga Philippine Immigration Law.

Sa halip aniya na sumuko ay nagtakbuhan at nagtangkang tumakas ang mga dayuhan na nagdulot ng mahabang habulan at nang nasukol ang dalawang Chinese na lalaki at isang babae pero tumangging sumuko ang isa at binaril ang sarili na agad nitong ikinamatay.

Lumitaw sa imbestigasyon na ito ang utak sa pagpatay sa siyam na biktima na itinapon ang bangkay sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga ilang buwan na ang nakakaraan.

Nabatid na ang mga pinatay ay anim na Chinese, isang Vietnamese, isang Malaysia, at isang Japanese.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble