SINABI ni Foreign Minister Eduardo Reina na ang pagtanggi ng Taiwan na dagdagan ang ‘financial aid’ nito at bunsod ng economic necessity ang dahilan kung bakit nito piniling magkaroon ng diplomatic ties sa China.
Ayon kay Reina, nagpanukala ang Honduras ng mas mahahalagang programa dahil na rin sa malaking pangangailangan ng Hondurians ngunit tumanggi aniya ang Taiwan na makipagtulungan dito.
Ani Reina, hiniling ng Honduras na doblehin ang $50-M na financial aid nito kada taon ngunit hindi ito binigyan ng magandang sagot mula sa Taiwan.
Inanunsiyo ni Honduras President Xiomara Castro na nagbaba ito ng utos kay Reina na simulan na ang pagbubukas ng diplomatic relations sa People’s Republic of China.
