Pagpaparehistro ng mga organisasyon ng mga magsasaka, pinabilis ng DAR at SEC

Pagpaparehistro ng mga organisasyon ng mga magsasaka, pinabilis ng DAR at SEC

TINIYAK ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mabilis na ang pagrehistro ng iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Ito ay matapos lumagda ang DAR at ang Security Exchange Commission (SEC) ng isang memorandum of agreement para tutukan ang pagpaparehistro ng mga bagong Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) at tulungan sa pagkuha ng mga kinakailangang regulasyon.

Anila, epektibo ang pagpapalakas ng ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organization, business organization, lokal na pamahalaan, akademya, at iba pang stakeholder.

Makatutulong ito mapanatili na mapataas ang antas ng mga kanayunan gayundin ang pagsulong ng sustainable at inclusive economic growth.

Follow SMNI NEWS in Twitter