Sinimulan na noong Lunes ang pagputol sa pinaka matandang puno bilang paggamit sa pagtatayo ng wooden-framed spire ng Notre-Dame de Paris matapos itong matupok ng apoy.
Magpuputol ng daan-daang punong kahoy ang France para sa pagtatayo muli ng Notre Dame Cathedral Spire.
Ang lead-coated spire na tinaguriang Central Paris Skyline ay natupok ng apoy noong Abril 2019.
Ayon sa pahayag ni President Emmanuel Macron noong nakaraang taon, muling itatayo ang 96 metre spire na orihinal na idinisenyo ni Eugene Viollet-le-Duc noong 19th century.
Samantala, isang libong oak trees ang kinakailangan upang mabuo ang taluktok at frame ng cathedral.
Napili naman ang isang 230 na taong gulang na sessile oak tree upang magamit sa pagtatayo ng Notre Dame Cathedral sa France Foret de Berce.
Ang bawat punong kahoy na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 15,000 euros ($17,800) ay papatuyuin nang 12 hanggang 18 buwan bago ito putulin.
Ayon kay Aymeric Albert, Forestry Commission’s Commercial Director, lilikha muli ng bagong henerasyon ng oak trees para sa susunod na 200 years.