INATASAN ngayon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga regional executive director sa bansa.
Ito ay hinggil sa planong pagrepaso sa Solar-Powered Irrigation System (SPIS) projects ng Department of Agriculture (DA).
Sa nakalap na imporm
asyon ng kalihim, may mga yunit ng SPIS ang napabayaan na o hindi na gumagana.
Naglabas ng direktiba ang DA Chief, kasunod ng Facebook post ni Dating Kalihim Manny Piñol tungkol sa isang Solar-Powered Irrigation System sa Mlang, Cotabato na natapos noong 2020 ngunit hindi na-turn over sa farmer-beneficiaries ng DA Regional Office 12.
Ipinag-utos ni Tiu ang makipag-ugnayan sa dating kalihim para sa gagawing review at assessment.
Batay sa records ng DA, mahigit 200 solar-powered irrigation system units ang itinayo sa buong bansa mula nang gamitin ito bilang isang banner program ng DA.