HINALA ng isa sa mga abogado ni Pastor Apollo C. Quiboloy, maaaring may kinalaman sa politika ang pag-iisyu ng arrest warrant ng RTC Branch 12 sa Davao laban sa butihing Pastor at iba pang akusado na kasama nito.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, napakabilis aniyang sumagap ng impormasyon ng mga nasa posisyon patungkol sa kasong ibinibintang kay Pastor Apollo, partikular na rito ang biglaang pakikisawsaw sa isyu ni Sen. Risa Hontiveros na dati’y wala namang pakialam sa mga kasong ito.
“We cannot help but suspect that this is politically related because in the past wala naman nagpakita ng ganung interes si Sen. Risa Hontiveros doon sa kaso with due respect to her. ‘Yung pangalan niya noon hindi naman naming naririnig na nagfo-follow up sa kaso na ito. Ngayon lang po na umiinit ‘yung mga kaso against Pastor Apollo Quiboloy na bigla na lang na nabuhay itong kasong ito. Kaya nga there are reasonable grounds to believe na ‘yung pagbuhay ng kasong ito ay may kaugnayan nga sa pulitika, ‘yun ang duda namin at sa tingin ko rin may basehan din,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Counsel for Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon kay Atty. Torreon, boluntaryo na sumuko ang tatlo pang akusado na kasama ni Pastor Apollo para patunayan na inosente sila sa mga kasong inaakusa laban sa kanila.
“Well, actually voluntary po ‘yung pag-ano gusto nilang harapin ‘yung kaso para magkaharapan na and we have actually advised them na ‘yan ang pinakamagandang move so that the people would know who is telling the truth and we are really very thirsty for justice and that is why the accused came out voluntarily in support of the jurisdiction of the honorable court,” dagdag pa ni Torreon.
Umaasa naman aniya ang kampo ni Pastor Quiboloy na ikukunsidera ang motion for reconsideration na inihain nito para mabigyan ito ng patas na laban sa korte.
“Kasi ‘yung petition for review po halos 4 years po ‘yan nakabinbin sa Department of Justice and if you will follow, Tatad vs Sandiganbayan, the Supreme Court has ruled that the accused has the right of the speedy disposition of cases eh. ‘Yung sa Tatad case halos tatlong taon lang ang delay ng kaniyang preliminary investigation dito po sa DOJ. More than 3 years po siyang nakabinbin doon, halos four years na po. Kaya nga one of the grounds na icinite namin is the violation of our clients right to the speedy disposition of cases what is good for the gander should also be good for the goose kung may rights po ‘yung complainant may rights din po ‘yung accused,” paliwanag ni Torreon.
Samantala, handa naman ang kampo ni Pastor Quiboloy sa mga kasong isinampa laban sa butihing Pastor at patuloy na hahanap ng judicial remedy dahil tiwala ang mga ito na mananaig pa rin ang katotohanan at hustisya.