Pahayag ng DOJ hinggil sa pagbaliktad ng ilang suspek sa Degamo murder, iresponsable—Teves camp

Pahayag ng DOJ hinggil sa pagbaliktad ng ilang suspek sa Degamo murder, iresponsable—Teves camp

IRESPONSABLE kung ituring ng kampo ni Cong. Arnie Teves ang naging pahayag ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano hinggil sa pagbaliktad ng mga suspek sa Degamo murder.

Kasunod ito sa sinabi ni Clavano na maaaring may kinalaman ang Teves camp hinggil sa mga pagbaliktad na ito.

Ayon sa legal counsel ng kampo na si Atty. Ferdinand Topacio sa panayam ng SMNI News, dapat patunayan muna ni Clavano ang kaniyang mga sinasabi.

Sinabi pa ni Topacio na napapansin niyang kung hindi na naaayon sa kanilang kagustuhan ang mga pangyayari, bigla na lang sasabihin na naimpluwensiyahan ng kabilang panig o kampo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter