Palasyo, hinikayat ang mga Pilipino na suportahan si VP Sara

Palasyo, hinikayat ang mga Pilipino na suportahan si VP Sara

HINIKAYAT ng Malacañang ang mga Pilipino na suportahan ang ika-15 Vice President ng bansa na si VP-elect Sara Duterte.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, nagpapasalamat ang Malacañang sa mga Pilipino sa pagtitiwala at suporta na binigay ng mga ito kay VP Sara.

Maliban sa bagong bise presidente, dapat din aniyang suportahan ang iba pang mga bagong opisyal na may mandato na gumawa ng pagbabago sa bansa.

Magugunitang, ginanap ang inagurasyon ni VP Sara sa San Pedro Square sa Davao City nitong Linggo sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando na personal na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang ina nito na si Elizabeth Abellana Zimmerman.

Present din ang ka-tandem nitong si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at anak nito na si incoming Congressman Sandro Marcos.

Naroon din ang mga incoming senators na sina Robin Padilla, Loren Legarda at iba pang incumbent senators na sina Sen. Cynthia Villar, Bong Revilla at Christopher ‘Bong’ Go.

Dumalo rin sina former Senate President Manny Villar at iba pang mga kilalang opisyal ng gobyerno gaya ni former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at iba pa.

BASAHIN: Sara Duterte, pormal nang nanumpa bilang ika-15 na Bise Presidente ng Pilipinas

Follow SMNI NEWS in Twitter