Pagkaroon ng permanenteng address ng OVP, isa sa legasiyang nais iwanan ni VP Sara

Pagkaroon ng permanenteng address ng OVP, isa sa legasiyang nais iwanan ni VP Sara

INANUNSIYO ni incoming Tourism Secretary Christina Frasco na ilalagak ni Vice President-elect Sara Duterte ang Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City Reception House.

Ito ay ang opisina na ginamit ni VP Leni Robredo.

Mag-oopisina rin si VP Sara sa central office ng Department of Education sa Pasig City bilang incoming secretary ng kagawaran.

Samantala, pinaplano ngayon ni VP Sara Duterte na magkaroon ng permanenteng gusali para maging opisina ng bise presidente ng bansa.

Ayon kay VP Sara, ito ang isa sa gusto niyang iwanang legasiya para sa mga susunod na bise presidente ng bansa ang OVP.

Dagdag pa ni VP Sara, pansamantala lamang ang naging opisina ng iba’t ibang nakalipas na bise presidente.

Magugunitang, sa Quezon City Reception House ang naging opisina ni VP Leni Robredo at sa Coconut Palace naman si Jejomar Binay.

Follow SMNI NEWS in Twitter