Malacañang, positibo sa dagdag-sahod ng mga guro

Malacañang, positibo sa dagdag-sahod ng mga guro

POSITIBO ang Malacañang na madadagdagan na ang sahod ng mga guro sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar sa “Ask me anything, anywhere” segment sa Facebook page nito.

Dagdag pa ni Andanar, napaka-importante at mahal ni PangulongRodrigo Roa Duterte ang mga guro dahil isang guro ang kanyang ina na si Soledad.

Bukod pa rito, sinabi ni Andanar na nakatakdang tanungin ni Pangulong Duterte si Education Secretary Leonor Briones para sa update sa planong pagtaas ng sahod ng mga guro.

Magugunitang napurnada ang planong pagtaas ng sahod sa mga guro dahil sa COVID-19 pandemic.

Ngunit sa kabila nito, nagtatabi na ng pondo ang Pangulo para sa pangakong dagdag-sahod para sa mga guro.

Follow SMNI NEWS in Twitter