Pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Karding, nagpapatuloy

Pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Karding, nagpapatuloy

TULUY-tuloy ang distribusyon ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Iniulat ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na nagpapatuloy ngayon ang airlift ng food packs sa mga isla ng Quezon at iba pang lugar na hindi maabot ng mga sasakyang panglupa.

Ito ay dahil sa mga nabuwal na mga puno at baha ng Bagyong Karding.

Siniguro din ni Tulfo na hindi titigil ang DSWD sa pagtulong hanggang  makabalik na ang lahat sa kanilang trabaho at tirahan dahil sa nasabing bagyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter