Pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo, ipinagbabawal—COMELEC

Pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo, ipinagbabawal—COMELEC

IPINAALALA ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato ngayong eleksyon na itigil muna ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Isa itong election offense ayon sa poll body kapag ipinagpatuloy sa kahit anumang anyo.

Binigyang-diin ng COMELEC na maaaring magsampa ng reklamo laban sa mga kandidatong mahuhuling lumalabag sa batas ng halalan.

Tiyakin lang anila na may sapat na ebidensya upang suportahan ang reklamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble