Pangingisda sa WPS, ipinagbabawal na       

Pangingisda sa WPS, ipinagbabawal na       

KINUMPIRMA ng mangingisda sa bayan ng Masinloc, Zambales na ipinagbabawal nang pumalaot sa Bajo de Masinloc na bahagi sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philip Macapanas, mula nang nagbanta ang China na arestuhin ang sinumang Pilipino na mangingisda sa naturang lugar noong Hunyo 15 ay pinagbawalan na silang pumalaot ng lokal na pamahalaan.

Ani Macapanas, nababahala ang LGU na may masamang mangyari sa kanila at posibleng maging ugat ng kaguluhan.

Dati aniya kumikita sila ng P7,000 hanggang P8,000 kada linggo nang pinapayagan pa sila na mangisda sa Bajo de Masinloc, ngunit ngayon ay nasa P1,500 na lamang mula sa mga sinisisid na shells.

“Sa Bajo de Masinloc ang nakukuha namin sa isang linggo minsan nasa may tatlong tonelada. Pero dito isang araw dalawang linggo, tatlong kilo minsan kung minsan susuwertehin,” pahayag ni Philip Macapanas, Mangingisda sa Masinloc, Zambales.

Sinabi rin ni Macapanas na may ilan siyang mga kasamahan na mangingisda na binomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG).

May pagkakataon aniya na kinukuha ng CCG ang kanilang mga magagandang huling isda at naiiwan sa kanila ang mga maliit na naibebenta lamang ng mura.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter