BINALIGTAD ng Korte Suprema ang desisyon ng noon ay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumawi sa amnesty na ipinagkaloob ng pamahalaan kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Ipinaliwanag sa desisyon ng Supreme Court En Banc na ang amnestiyang iginawad kay Trillanes ay may bisa pa rin dahil ang pagbawi na ibinatay sa Proclamation No. 527 na nilagdaan ni Duterte ay unconstitutional.
Ipinaliwanag ni Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh na hindi maaari at walang kapangyarihan ang sinumang pangulo na mag-revoke ng amnesty kung walang pahintulot o pagsang-ayon ng Kongreso.
Napatunayan din ng Korte Suprema na nakapaghain ng amnesty application at nakasunod sa legal na proseso si Trillanes.