MULING dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang online sabong na nakapagbibigay ng malaking kita sa gobyerno.
Ito ay inihayag ng pangulo sa kasagsagan ng groundbreaking ceremony para sa OFW center sa Daang Hari, Las Piñas City.
Ayon sa pangulo, pinayagan niya ito upang madagdagan ang pumapasok na revenue sa bansa dahil sa pandemya.
Aabot aniya sa P640-M ang naibibigay ng E-Sabong sa gobyerno kada buwan at ang kita mula rito ay nagagamit ng gobyerno para sa COVID-19 response at para sa intelligence fund.
Binigyang-diin naman nito na wala siyang kilalang tao sa E-Sabong at ito ay transaksyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).