Pangulong Marcos, inimbitahang maging speaker sa pagtitipon ng mga top CEO sa Thailand

Pangulong Marcos, inimbitahang maging speaker sa pagtitipon ng mga top CEO sa Thailand

INIMBITAHAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsalita sa pagtitipon ng top chief executive officers (CEOs) na mula sa buong APEC Region.

Bahagi ito ng pagdalo ng bansa sa kauna-unahang in-person APEC Economic Leaders’ Week sa Bangkok Thailand.

Para sa Pangulo, magandang oportunidad ito sa kanyang unang taong panunungkulan upang mas mapalawak ang ugnayan nito sa mga karatig rehiyon sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan.

Samantala, kasunod ng kanyang matagumpay at ligtas na pagtungo sa Bangkok, Thailand, inihayag ni Pangulong Marcos ang ilan sa mga prayoridad nito sa kanyang pagdalo sa APEC Economic Leaders’ Week sa Bangkok.

At sa summit na ito, nakatakdang ilahad ng Pangulo ang economic agenda ng Pilipinas lalo na sa larangan ng pagpapalakas ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Kasama rin ang pagsulong sa papel ng mga maritime crew at seafarers sa matatag na supply chain.

Itutulak ang mga mahahalagang hakbang sa climate change, food security at enerhiya.

“This is what we aspire for, we will be engaging with the leaders of economies of the Asia Pacific region to agree on how we can achieve food and energy, economic inclusion of our MSMEs, women, indigenous people, and other segments whose economic potential remain to be unlocked, digitalization and our participation in the digital economy,” ani Pangulong Marcos.

Bukod dito, makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa business leaders ng Thailand sa sidelines ng APEC.

Ito’y upang manghikayat ng investments at business opportunities, isulong ang Philippine exports at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon.

Ang Punong Ehekutibo ay lalahok din sa isang panel discussion tungkol sa “The Global Economy and the Future of APEC”.

Sa huli, nangako si Pangulong Marcos na dadalhin niya ang mga pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at maunlad na rehiyon ng Asia Pacific.

Habang patuloy pa rin na isinasapinal ang bilateral meetings para kay Pangulong Marcos kasama ang ilang economic leaders at heads of state upang pag-usapan ang pagpapalakas ng diplomatic relations sa Asia Pacific region.

Follow SMNI NEWS in Twitter