Panukalang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas, kinontra ng dating SC Justice, mambabatas

Panukalang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas, kinontra ng dating SC Justice, mambabatas

KUMBINSIDO ang isang dating Supreme Court Justice at isang kongresista na hindi pagpapalakas ng pamilya, sa halip ay pagkawasak ng pamilyang Pilipino ang idudulot ng diborsyo na ngayon ay isinusulong.

Ito ang binigyang diin nina dating Supreme Court Justice at 1987 Constitutional Commission member Adolfo Azcuna at SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Iginiit ni Azcuna na labag sa Konstitusyon ang panukalang batas habang inihalintulad ni Marcoleta ang dibisyon na tila anay na sadyang ilalagay sa pundasyon ng pamilya.

Nanindigan sina Azcuna at Marcoleta na may paraan naman na magagamit para sa mga mag-asawang mayroong pang-aabuso at kasama na rito ang annulment at legal separation.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter