Partido Federal ng Pilipinas, ipinaliwanag ang rason ng pagtanggal kay Vic Rodriguez sa partido

Partido Federal ng Pilipinas, ipinaliwanag ang rason ng pagtanggal kay Vic Rodriguez sa partido

NAWALA ang tiwala at kumpyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kay Atty. Vic Rodriguez.

Maging ang pagtataksil at paggawa ng mga bagay na ikinasasama sa partido ay kasama sa inirereklamo laban sa kanya.

Ito ang isiniwalat ni Atty. George Briones sa panayam ng SMNI News hinggil sa pagkakatanggal nito bilang executive vice president ng PFP.

Isa pa sa malaking kontrobersya ni Rodriguez ay ang kanyang appointments-for-sale kung kaya’t mapapansin ngayon ayon kay Briones na pinapalitan ang mga nairekomenda nito sa pwesto.

Ang administrative orders pa na inilabas nito ay nakasisira sa imahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Naging patas naman ani Briones ang PFP dahil hinihingi nito ang panig ni Rodriguez hinggil sa isyu subalit hindi kailanman sila nakatanggap ng paliwanag.

Samantala, naikwento ni Briones na noong matanggal bilang executive secretary si Rodriguez ay bumabalik-balik ito sa PFP.

Aniya, nais umanong tumakbo ni Rodriguez bilang senador.

 

 

Follow SMNI News on Twitter