Seguridad ng mga lokal na kandidato, tiniyak ng pulisya

Seguridad ng mga lokal na kandidato, tiniyak ng pulisya

NAKAHANDANG magbigay ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga kandidato sa pagsisimula ng local campaign sa Marso 25.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, hinihintay na lamang nila ang threat assessment ng mga kandidato na humihingi ng seguridad sa kanilang hanay.

Mabusisi aniya ang gagawin nilang threat assessment sa mga ito.

Maliban dito, kasado na rin ang security plan upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang kampanya ng mga lokal na kandidato.

Binabantayan din ng pulisya ang operasyon ng private armed groups ngayong halalan 2022.

 

Anibersaryo ng NPA sa Marso 29, binabantayan ng pulisya

Nakahanda ang PNP sa anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Marso 29.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Carlos lalo’t tradisyon na nagsasagawa ng pag-atake ang NPA bilang pagpapakita ng kanilang pwersa.

Ayon kay Carlos, mahigpit nilang binabantayan ang kilos ng NPA upang mapigilan ang anumang plano ng paghahasik ng karahasan.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang pulisya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makatulong sa pagbibigay ng seguridad.

Samantala, nagpaalala naman si Carlos sa NPA na huwag idadamay ang mga inosenteng sibilyan sa kanilang mga pinaplanong karahasan.

Follow SMNI News on Twitter