Pastor Quiboloy sa mga Pilipino: Huwag nating hayaan ang pagyurak sa ating mga karapatan

Pastor Quiboloy sa mga Pilipino: Huwag nating hayaan ang pagyurak sa ating mga karapatan

March 24, 2025 – Sa pagtitipon ng libu-libong mga tagasuporta, ipinarating ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, ang kanyang mensahe ng pag-asa, paninindigan, at adbokasiya sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Rally na ginanap sa Calinan, Davao City, at 25 iba pang lokasyon sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pastor Quiboloy ang kanyang paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at pagbabago sa Pilipinas. “Ang katotohanan ay talagang lilitaw, at ang kasinungalingan ay hindi mananaig laban sa katotohanan,” wika niya.

Ipinahayag rin ni Pastor Quiboloy ang kanyang pagtutol sa pang-aapi at paglabag sa karapatang pantao gaya ng kanyang naranasan, kasama na ang nangyari sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. “Hindi na natin hahayaang mangyari muli ang mga paglabag sa batas at pang-aapi na naranasan natin. Dapat igalang ang karapatan ng bawat Pilipino, anuman ang kanyang relihiyon o paniniwala,” dagdag niya.

Dagdag pa ng butihing pastor, “Ngayon, pati ang ating Pangulong Duterte na sana ay hindi dinala sa The Hague sa madaling pagkakataon na hindi ginalang ang kanyang karapatan. Ito’y former president ha, hindi na ginalang. Ako, ang laki ng pagtulong ko sa Pilipinas, hindi ako ginalang.”

“Ang ating bise presidente, wala namang ginagawa kundi kabutihan—hindi ginalang,” wika ni Pastor Quiboloy.

Ipinangako naman ni Pastor Quiboloy na patuloy niyang ipaglalaban ang interes ng mga Pilipino. “Huwag nating pabayaan ang diktadurya at tiranya na manatili sa ating bansang ito.”

“Iayos natin ang kabuhungang ito, iayos natin ang pang-aaping ito, iayos natin ang pagyurak sa batas, ang pagyurak sa ating karapatan. Iboto straight PDP,” pagtatapos ni Pastor Quiboloy.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com

Media Contact:

Hannah Jane Sancho

Media Relations [email protected]

[email protected]

+639-177-141-820

 

Follow SMNI NEWS on Twitter