HINDI mamadaliin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng desisyon hinggil sa pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang problema kaugnay sa POGO ay ang mga iligal na itinatayo dahil hindi ito nagbabayad ng kanilang kailangang bayaran.
Ito rin ang sangkot sa mga ulat ng pamamaslang kaya pinapa-deport ang mga ito at ipinasasara.
Sa mga ligal na POGO, walang problema aniya rito.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na handa silang makipag-ugnayan sa China sakaling kailangan nila ng tulong sa pagtugis sa POGO.