PABOR ang mga senador na amyendahan ang three-year term para sa ranking officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon ito kay Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri at malakas aniya ang kanyang kutob na maipapasa ang kanilang planong pag-amyenda.
Magugunitang ang Republic Act No. 11709 (An Act Strengthening Professionalism) in the AFP ay naging epektibo noong July 2022.
Layunin nito ang mahinto ang revolving door policy kung saan ang mga military chief ay magbibigay ng kanilang serbisyo sa loob ng ilang buwan bago ang kanilang mandatory retirement.
Sa kasalukuyang batas, magkakaroon ng fixed tour ng duty sa loob ng 3 taon ang chief at vice chief of staff, deputy chief of staff, commanding general ng army, commanding general ng air force, flag officer in command ng navy at unified commanders at inspector general.
Samantala, ayon kay Department of National Defense (DND) Sec. Carlito Galvez, nakakaapekto ito sa moral ng ilang sundalo dahil hindi naipo-promote ang aabot sa 135-k na enlisted personnel partikular na ang private hanggang first chief master sergeant na mga officer.
Ito ang dahilan kung bakit aamyendahan nila ang nabanggit na batas. officials