PBBM, magpapatayo ng 1,000 pabahay para sa mga pulis at sundalo

PBBM, magpapatayo ng 1,000 pabahay para sa mga pulis at sundalo

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magtatayo ang pamahalaan ng 1,000 housing units: 500 para sa mga pulis at 500 para sa mga sundalo.

Sinabi ng Punong-Ehekutibo na uunahing pagkalooban ng pabahay ang mga nasiraan ng tahanan dahil sa bagyo.

Malaking bagay aniya na hindi na kailangang alalahanin ng mga pulis at sundalo kung saan sila uuwi at saan uuwi ang kanilang pamilya.

Ibinahagi naman ni Pangulong Marcos na nakakita na ang gobyerno ng lokasyon sa bahagi ng Cavite na angkop para sa housing program.

Una nang inihayag ni Pangulong Marcos na determinado ang pamahalaan na suportahan at pagkalooban ng pabahay ang mga miyembro ng kapulisan at sandatahang lakas.

Nagkaroon din ng pulong si Pangulong Marcos kasama sina Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Andres Centino, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Rizalino Acuzar, at Cavite Governor Jonvic Remulla ukol sa Pabahay Project.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter