PBBM, muling iginiit na hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksiyon ng ICC sa bansa

PBBM, muling iginiit na hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksiyon ng ICC sa bansa

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi nito kinikilala ang hurisdiksiyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Sa panayam sa isang event sa Quezon City nitong umaga ng Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na kahit 100 beses niyang sasabihin, aniya, hindi nito kinikilala ang hurisdiksiyon ng ICC sa bansa.

Saad ng Punong Ehekutibo, itinuturing niyang banta ang ICC sa soberanya ng Pilipinas.

Kaya naman, ani Pangulong Marcos, hindi tutulong sa alinmang paraan ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang imbestigasyon na gagawin ng ICC.

Gayunpaman, bilang ordinaryong tao, maaari aniyang magtungo at bumisita ng Pilipinas ang ICC, subalit binigyang diin na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa kanila.

Sa katunayan, ayon kay Pangulong Marcos, binabantayan ng Philippine government ang kilos ng ICC

Ito’y upang matiyak na hindi makaka-ugnayan nito ang anumang ahensiya ng gobyerno.

Ipinag-utos ni Pangulong Marcos na sakali man na kinokontak ng ICC ang mga ahensiya ng gobyerno, local government o law enforcers, ay huwag itong sagutin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble