PBBM suportado ni Atty. Lary Gadon para panghawakan ang DA

PBBM suportado ni Atty. Lary Gadon para panghawakan ang DA

SUPORTADO at nararapat lamang na si incoming President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang humawak ng Department of Agriculture (DA).

Ito ang sinabi sa pulong balitaan sa B-Hotel sa lungsod ng Quezon ni Atty. Larry Gadon, upang matigilan na ang malalang smuggling tulad ng bigas, mga gulay at malalang kurapsyon ng ahensya at iba pa.

Ani Gadon sakaling maupo na si PBBM, siya na ang bahalang mag-appoint ng mga posisyon sa Usec. at Asec. na makakatulong niya sa pagpapatakbo ng DA.

Samantala sinabi ni Atty. Gadon na patuloy niya na ipagtatanggol at pagsuporta laban sa mga tumutuligsa kay PBBM na kumokontra sa paghawak nito sa DA.

Dagdag pa ni Atty. Gadon, hayaan muna nila magtrabaho si PBBM at huwag munang pangunahan ito sa kanyang mga gagawing plano para sa Department of Agriculture.

Follow SMNI NEWS in Twitter