Pangulong Duterte, may tagubilin kay President-elect Bongbong Marcos

Pangulong Duterte, may tagubilin kay President-elect Bongbong Marcos

MAY tagubilin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa kasagsagan ng pagbibigay ng Madayaw Residences units sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyekto na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga Pilipino.

Ani Pangulo, dapat makita ng mga tao na may ginagawa ang gobyerno sa kanilang pera.

Kaugnay naman sa pagbibigay ng low-cost housing, sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay bilang gantimpala ng gobyerno sa sakripisyo ng mga uniformed personnel, overseas Filipino workers at mga trabahante ng gobyerno.

Saad pa ng Pangulo, ito ang patunay na ang pera ng mga tao ay napupunta sa tamang proyekto.

Nanawagan naman si Pangulong Duterte sa National Housing Authority (NHA) na paigtingin pa ang programa nito para sa mga tao.

Follow SMNI NEWS in Twitter