PBBM, tutungo sa Brunei at Singapore sa susunod na linggo

PBBM, tutungo sa Brunei at Singapore sa susunod na linggo

TUTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brunei at Singapore sa susunod na linggo.

Ang Mayo 28-29 na pagbisita ay ang kauna-unahang state visit ng Pangulo sa Brunei.

Inaasahan na rin sa pagkikita ni Pangulong Marcos at ng Brunei Sultanate ang pagtibayin ang economic cooperation ng dalawang bansa.

Bibisitahin din ng Pangulo ang mahigit 20-K na mga Pilipino sa Brunei.

Samantala, sa Mayo 31 sa Singapore, dadalo si Pangulong Marcos sa gaganaping International Institute for Strategic Studies sa Shangri-La Dialogue (IISS).

Magbibigay ito ng keynote address sa event.

Sa kasaysayan, si Pangulong Marcos pa lang ang kauna-unahang Filipino president na naimbitahan para magbigay ng keynote address sa IISS.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter