MAGLALAGAY ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga navigational lanterns sa 4 critical lighthouses sa Batanes para matiyak na ligtas ang pagpasok ng mga marine vessels sa mga ports and harbors.
Ayon kay PCG deputy commandant for operations Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., ang mga navigational lanterns ay ilalagay sa apat ng critical lighthouses sa Sabtang, Mahatao, Ivana at Valanga.
Ang Coast Guard Lighthouse ay magsisilbing gabay sa mga motorboats at sasakyang pandagat upang matiyak na ligtas ang kanilang magiging daanan sa pagpasok sa mga daungan.
Nagsagawa ng send-off ceromony ang PCG para sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na gagamitin sa nasabing operasyon.