Executive clemency grant para sa mga PDLs na may edad 70 pataas pinag-aaralan –BuCor

Executive clemency grant para sa mga PDLs na may edad 70 pataas pinag-aaralan –BuCor

PINAG-aaralan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad na mabigyan ng executive clemency ang mga matatandang persons deprived of liberty (PDLs) na may edad 70 pataas bilang bahagi ng decongestion process sa mga kulungan.

Ibinahagi ni BuCor OIC General Gregorio Catapang Jr., na ang nasabing panukala ay ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan pinalaya o binigyan ng parole ang lahat ng PDLs na may edad 70 pataas.

Dagdag pa ng BuCor, chief pinag-aaralan din ng mga opisyal kung paano ma-decongest ang nasabing kulungan.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, bibigyan ng prayoridad ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang decongestion of jails dahil sa napatunayang umabot na sa 300% congestion rate ang New Bilibid Prison (NBP).

Dagdag ni Clavano, nais ni Remulla na ilipat ang Maximum Security ng NBP sa Sablayan prison sa Occidental Mindoro at ang Minimum Security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Follow SMNI NEWS in Twitter