PCSO at PRC, nagsagawa ng bloodletting activity; 83 blood units, nalikom

PCSO at PRC, nagsagawa ng bloodletting activity; 83 blood units, nalikom

NAGSAGAWA ang Red Cross at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng bloodletting activity kamakailan.

Ayon sa PRC, aabot sa 83 blood units ang nalikom mula sa bloodletting activity na isinagawa noong January 20 sa PCSO Head Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagtutulungan ang PCSO at PRC dahil sa katunayan ay matagal nang magkatuwang ang dalawa.

Isang halimbawa rito ang walang humpay na tulong ng PCSO sa Blood Samaritan Program ng PRC.

Ang nabanggit na programa ay layuning makahikayat ng mga indibidwal na handang magbigay ng tulong-pinansyal para sa blood processing fees ng indigent patients.

Follow SMNI NEWS in Twitter