Mga nanalo sa 6/55 lotto nitong Sabado, nag-umpisa nang dumagsa sa PCSO main office

Mga nanalo sa 6/55 lotto nitong Sabado, nag-umpisa nang dumagsa sa PCSO main office

NAG-UMPISA nang dumagsa ang mga nanalo sa 6/55 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang main office sa Mandaluyong para kunin ang kanilang premyo.

Para kay Mang Mar na taga Nueva Ecija, nasa 30 taon na itong tumataya sa lotto at ngayon lamang ito nanalo.

Para naman kay Nanay Tes na taga Metro Manila, malaki ang maitutulong ng panalo nila sa lotto para sa kanilang kabuhayan.

Lahat naman ng lotto winners na nagtungo sa PCSO main office ay nagpasalamat sa PCSO at iginiit na matagal na nilang alaga ang winning numbers na 09-45-36-27-18-54 in any order.

Naniniwala rin ang mga ito na walang dayaang naganap sa draw, 433 na winning bettors ang maghahati-hati sa ₱236,091,188 ang jackpot prize.

Ang bawat isa sa kanila ay makatatanggap ng ₱545,245 subject sa 20% na final tax.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter