PDEA, nakakuha ng P13.6-M na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Muntinlupa City

PDEA, nakakuha ng P13.6-M na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Muntinlupa City

NAKAKUHA ng P13.6-M na halaga ng pinaghihinalaang shabu ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang subdivision sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Mula ito sa operasyon na kanilang ginawa noong Sabado, Enero 6, 2024.

Sa ulat, dalawang suspek ang naaresto nito.

Mula sa dalawa ay nasabat ang dalawang naka-foil packs na may label na “Guanyinwang”.

Naglalaman ang dalawang naka-foil packs ng dalawang kilo ng pinaghihinalaang shabu na katumbas ng P13.6-M.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble