NAKIPAG-ALYANSA ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa tatlo pang partido sa bansa.
Ito ay ang Partido para sa Demokratikong Reporma o Partido Reporma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica.
At ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).
Ang paglagda sa kasunduan ng apat na partido ay isinagawa noong Biyernes, Setyembre 20 kasabay ng PDP national assembly sa D’Leonor Inland Resort sa Davao City.
Tinatayang nasa mahigit 1,200 opisyal at miyembro ng PDP mula sa buong bansa ang dumalo sa naturang national assembly.
Kasabay rin nito ay inindorso ng PDP ang tatlong senatoriable para sa 2025 midterm elections na sina Sen. Bato Dela Rosa, Sen. Bong Go, at Philip Salvador.