NAKAHANDA na sa posibleng sitwasyon ng probinsya ang PDRRMO ng Misamis Oriental dahil sa bagyong Odette.
Simula ngayong araw ay nakaantabay 24 oras ang Misamis Oriental Department Heads Association para tumulong, gayundin ang paghahanda ng mga drayber at mga sasakyang gagamitin para sa deployment ng mga tao.
Nakahanda na rin ang DSWD provincial office upang mamahagi ng mga tulong sa mga evacuees sa iba’t ibang site, kabilang na sa unang nabigyan ng ayuda ay ang munisipalidad ng tagoloan.
Naka-standby na rin ang lahat ng walong provincial hospital na nagsisilbing forward incident command center para sa mga casualties dahil sa bagyong Odette.
Nakahanda na ang pwersa ng PDRRMO katuwang ang mga pulis at sundalo upang mapabilis ang pagresponde sa mga tao.