BILANG bahagi ng paggunita sa Mahal na Araw, ilang debotong Katoliko mula sa Barangay Tenejero, Candaba, Pampanga ang nagsagawa ng tradisyunal na penitensya ngayong Biyernes Santo, Abril 18, 2025.
Makikita ang mga deboto sa lansangan na naglalakad nang walang sapin sa paa, may pasan-pasang krus, at ilan ay nagsasagawa ng pamapalò sa likod bilang simbolo ng sakripisyo, pagsisisi, at pag-alala sa paghihirap ng Panginoong Hesukristo.
Bagama’t makaluma, ang ganitong uri ng debosyon ay patuloy na iginagalang sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa mga lalawigan kung saan matibay ang tradisyon ng pananampalataya.
Naging mapayapa at maayos ang daloy ng aktibidad sa tulong ng lokal na pamahalaan, mga barangay tanod, kapulisan, at volunteers na nakaantabay sa seguridad at kalusugan ng mga kalahok.