PH Air Force nagsagawa ng RDANA at Aerial Relief sa mga apektadong lugar ng bagyo

PH Air Force nagsagawa ng RDANA at Aerial Relief sa mga apektadong lugar ng bagyo

NAGSAGAWA ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) at relief operations ang Philippine Air Force (PAF) sa pamamagitan ng kanilang Tactical Operations Group 2 sa ilalim ng Tactical Operations Wing Northern Luzon.

Ang nasabing hakbang ng PAF ay dahil sa sunud-sunod na sama ng panahon na pumasok sa Pilipinas na kung saan apektado ang libu-libong Pilipino.

Sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense Regional Office 2 (OCD 2) at Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) nagamit ng Air Force ang Black Hawk helicopter at nakita ang malawak na pinsalang idinulot ng mga bagyo.

Dahil sa ginawang RDANA agad natukoy ang mga lugar na dapat unahin sa pagbibigay ng tulong sa pamamagitan din ng Black Hawk helicopters ay nai-deploy ng Air Force ang mga suplay sa mga liblib na lugar sa Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Gamit ang asset ng Air Force aabot naman sa 470 boxes na family food packs, hygiene at sleeping kits mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naipamigay sa mga apektadong komunidad sa Sitio Valley Cove at Sitio Camunayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble