PINANGUNAHAN ng 5th Infantry Division (ID), Training and Doctrine Command, Army Artillery Regiment at Army Personnel Management Center bilang top performers sa katatapos lang na Army-wide 2023 Annual General Inspection (AGI) ngayong taon.
Nakuha ng 5th ID ang 94.549% bilang top 1 unit ng Philippine Army Major Unit (PAMU) Category na sinundan ng 6th ID na may (94.238%) at ang 4th ID na may (93.903%).
Habang ang Army Artillery Regiment ay dinomina ang Specialty Enablers Category na may 95.625% rating, ang Training and Doctrine Command (93.253%) at Army Personnel Management Center (94.292%) ay parehong top performers din sa Functional Command Category at PA-Wide Service Support and Separate Unit Category.
Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Philippine Army,” Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang mga nagwaging yunit kasabay ng paalala sa mga tauhan nito na pagbutihin ang kanilang mga trabaho kaakibat ang disiplina at pagtutulungan para sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa seguridad ng mamamayan at bansa.