PH contingent, hinihintay ang desisyon ng Turkiye kung ililipat sila ng lugar

PH contingent, hinihintay ang desisyon ng Turkiye kung ililipat sila ng lugar

HINIHINTAY ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent ang desisyon ng gobyerno ng Turkiye kung ililipat sila sa Hatay Province mula sa Adiyaman.

Ito ang iginiit ni Civil Defense spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro IV.

Ayon kay Alejandro, may isang linggo na lamang ang Philippine contingent bago matapos ang kanilang misyon sa Turkiye.

Hindi na aniya palalawigin ang pananatili ng Philippine contingent at susundin ang orihinal na 2 linggong misyon.

Samantala, ibinahagi rin ni Alejandro na personal na binisita ang Philippine contingent ng mga opisyal ng Turkiye upang pasalamatan sa pagtulong sa mga nabiktima ng magnitude 7.8 na lindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter