Phil. Sports Commission, magbibigay ng P5-M kay Hidilyn Diaz

Phil. Sports Commission, magbibigay ng P5-M kay Hidilyn Diaz

MAGBIBIGAY ng P5-M kay Hidilyn Diaz gold medalist weighlifter ang Philippine Sports Commission.

Naging inspirasyon ng mga naiwan pang atleta sa 2020 Tokyo Olympics ang pagkapanalo ni Diaz.

Palalakasin pa ng Philippine Sports Commission ang sports program ng pamahalaan.

Ito ay kasunod ng pagkapanalo ng gintong medalya ni Hidilyn Diaz.

Base sa ginanap na board meeting ng PSC nitong Huwebes, sinabi ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na nagdesisyon sila na magbigay ng 5-M kay Hidilyn Diaz bilang  insentibo para sa pagkapanalo nito bilang weightlifter.

Ito ay bukod pa sa medal of valor na ipagkakaloob ng PSC kay Diaz.

 ‘’It’s in the incentive act, the amount depende na sa board ng PSC. So, we feel that P5 million should be enough extra incentive for Hidilyn; and aside from the medal of valor that we will be presenting to her also,’’ayon kay Ramon Fernandez, Commissioner Philippine Sports Commission

Samantala, inihayag ni Fernandez na nagsisilbing inspirasyon ng mga naiwang atletang Pinoy sa Tokyo Olympics ang pagkapanalo ni Diaz.

 ‘’The Chairman is there right now, talking to them, visiting them. Maganda, na-i-inspire lalo sila, Martin, to perform at the highest level,’’dagdag nito.

Nagsisilbi ring motibasyon sa mga atleta ang pagiging gold medalist ni Diaz na talagang nagsasabing kaya ng mga Pilipino na makasungkit ng mga medalya sa nasabing Olympics.

Kasabay naman nito ay nagbigay ng update si Fernandez sa kaganapan doon sa Tokyo Olympics.

‘’Medyo na-motivate sila na kaya ng Pilipino. So, as I fearlessly forecasted before the Olympics na nagmu-multi medal tayo ngayon and nangyayari na. So, nangyari na because assured na iyong dalawang boxer natin ng bronze, but we will continue. I still believe that they will move on to play and win some more games to play for the gold medals and not counting our golfers and EJ Obiena and Caloy Yulo, they are still in the hunt for medals in Tokyo,’’ayon kay Fernandez.

Kaugnay nito, sinabi ni Fernandez na talagang mag-level up ang mga atletang Pinoy ngayon.

‘’In the last Olympics, in Rio, we sent 13 athletes, Sec. Martin; ngayon, 19 ang napadala natin. Iyong mga atleta natin ever since the 2016 Rio Olympics. It’s not a secret formula, Martin, all we did was to really send all these athletes abroad to compete starting in 2017, 2018 and 2019,’’dagdag nito

Binigyang diin din ng PSC na tama lang ang panindigan ng pamahalaan na palakasin ang programa sa larangan ng sports at suportahan ang mga atleta.

Sa kabilang banda, bagamat aminado ang PSC na mayroong kakulangan sa funds para sa sports program, ay pinagsusumikapan ng komisyon na pagkasyahin ang pondong meron sila.

Hindi rin nag-atubili at nagdalawang-isip ang PSC na magpadala ng mga atleta sa ibang bansa para makipag- compete sa top tournaments sa buong mundo.

Kaya naman sambit ni Fernandez, importante ang grass roots program nang sa ganoon, mahanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga kabataang mayroong potensyal sa larangan ng sports.

SMNI NEWS