GINAGAMIT lamang ni Senator Richard Gordon ang Philippine Red Cross para sa eleksyon ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Laman pa rin ng Public Address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi si PRC Chairman Senator Richard Gordon.
Ito ay dahil sa patuloy nitong pagiimbestiga sa Department of Health (DOH) sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Pangulong Duterte, maaring dahil sa interes nitong tumakbo sa eleksyon sa mataas na posisyon kaya nagpapakitang gilas ito ngayon sa pagdinig.
Sabi ng Pangulo ay tatakbo sa Vice Presidency ang senador.
‘’I heard that you want to run for vice president next year, and you are trying to impress the opposition that they would consider you. Totoo ba ito, Secretary Gordon? Alam mo, tatakbo rin ako. Kung mag-usap lang tayo, puwede namang ikaw ang maging vice president kung karapat? dapat ka. So, I would know if you talk to me about your political plans lalo na ‘yung vice presidency, eh ako naman nag-announce na. Kung interesado ka, makipag-usap ka at tingnan natin kung karapat-dapat ka ba,’’ayon kay Pangulong Duterte.
Giit ng Pangulo na walang dapat imbestigahan sa pondo ng DOH ngayong nagpapatuloy pa ang mga proyekto nito.
‘’Why are you trying to run the Department of Health with your investigation? Kayo na ang gustong magpatakbo kasi nagtatanong na kayo kung bakit ito. Iyan ang gusto nang malaman ko rin at pati ‘yung mga tao,’’dagdag nito.
Binira din ng Pangulo si Gordon sa pagiging Chairman nito ng Philippine Red cross sa matagal ng panahon.
Ayon kay Pang. Duterte, ginagamit niya ang PRC para pondohan ang kaniyang nakatakdang pagtakbo sa eleksyon 2022.
‘’Is there — is this a fair move of yours during the time of when the Philippines is suffering from — just like other nations — the effects of pandemic? Is the Red Cross saving money so that it… Ito ‘yung milking cow mo eh sa totoo lang,’’ayon kay Duterte.
Binira din ng Pangulo ang mambabatas dahil sa matataas na paniningil ng Red Cross sa mga senior citizen.
‘’Ito pang isa. Red Cross is to be a non-profit organization. But amid on the onset of pandemic, Red Cross, under you, charged testing at astronomical rate for around P4,000 — 4,000 — P4,700 a piece without any discount for senior citizens or persons with disabilities. Is this not a clear violation of the Expanded Senior Citizens Act?,’’ayon sa Pangulo.
Samantala sa nagpapatuloy na bangayan sa senado kasama ang Pangulo ay gusto ng pumagitna ni Senate President Tito Sotto III.
Sa isang mensahe na pinadala ni Sotto ay sinabi nitong nag-iisip itong kausapin si Pangulong Rodrigo Duterte.
‘’Yes. Its a thought. If he is willing to talk. I told Senator Bong Go about it,’’ayon kay Senador Sotto III.
Aniya ang bagay na ito ay nasabi na nito kay Senator Go at inayunan naman ng senador.