Red Cross, ginawang milking cow ni Gordon —Pangulong Duterte

Red Cross, ginawang milking cow ni Gordon —Pangulong Duterte

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ginagawang milking cow ni Senator Richard Gordon ang Philippine Red Cross (PRC) sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pangulong Duterte, ginagamit lamang ni Gordon ang PRC para sa eleksyon.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, matagal na siyang nasa Red Cross at dapat bumitaw na ito para mabigyan ng chance ang iba at mahinto na ang kalokohang ginagawa nito.

Ayon pa rin kay Pangulong Duterte, isa si Gordon na gustong mag-imbestiga sa suplay na binili ng gobyerno hindi in aid of legislation kundi para sa personal political interest nito.

Aniya ang pagiging pinuno ni Gordon sa Red Cross at pagiging miyembro ng Senado ay maikokonsiderang “unethical.”

Bukod pa rito sinabi ni Pangulong Duterte na nag-ooffer ng mamahaling COVID-19 tests ang Red Cross na walang discounts para sa mga matatanda at may kapansanan.

Ginunita rin ng Pangulo ang plunder complaint na inihain ni former Senator  Antonio Trillanes IV laban dito.

 

 

SMNI NEWS