Philippine Women’s Team, tutungo na sa Malaysia para sa FIBA U17 3×3

Philippine Women’s Team, tutungo na sa Malaysia para sa FIBA U17 3×3

PAPUNTA na ang Philippine Women’s Team sa bansang Malaysia bilang paghahanda sa FIBA U17 3×3 Asia Cup 2022.

Handang-handa na ang koponan ng Pilipinas na harapin ang Hong Kong at Thailand sa magkasunod na match.

Bilang paghahanda, lubos ang pag-eensayo ng mga dalaga upang makuha ang inaasam na pagkapanalo sa nasabing Asian Cup.

Kasama sa mga tumungo sa Malaysia ay sina Asia Cup Tournament Bronze medalist Ari Delos Santos at Nicole Pring at maging sina BJ Villarin at Camille Nolasco.

 

Follow SMNI News on Twitter