BIRTUWAL na ilulunsad ng Philippine Statistics Authority ang Philippine System (PhilSys) online sa buong kapuluan ng bansa ngayong Pebrero 26.
Sa isang post ng PSA website, inimbitahan ang publiko na manood sa streaming ng PhilSys Ceremonial Event na may titulong “#IDnatin: Prepare and Cooperate with the Innovative Philippines.”
“Luzon, Visayas, Mindanao, and to our countrymen in different parts of the world: Watch out for the PhilSys Ceremonial Event that will be shown on our Facebook page (fb.com/PSAPhilSysOfficial), at 1 p.m.,” ayon sa post ng PSA.
Layunin ng PSA sa nasabing kaganapan na maturuan ang publiko sa proseso ng rehistrasyon ng PhilSys at mga benepisyong makukuha ng mga Pilipino at mga dayuhang residente gamit ang isang ID.
Showcase ng virtual event ang tatlong hakbang kung paano magparehistro ng PhilSys.
Inaasahan namang lalahok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng bansa sa nasabing paglulunsad.
“With President Rodrigo Duterte and officials of various agencies, find out the next steps for the implementation of PhilSys. This is #IDnatin: Prepare and Unite For Innovative Philippines. Use #IDnatin and invite the whole family, friends, and acquaintances to watch,” dagdag ng post.