SINABI ni Phoenix Suns owner Robert Sarver na naghahanap ito ng bibili ng kanyang team matapos itong masuspinde ng isang taon ng National Basketball Association (NBA).
Ito ay dahil sa imbestigasyon ng mga alegasyon ng pang-aabuso umano ni Sarver sa kanyang mga empleyado na nagresulta sa kanyang pagkaka suspinde at pagmumulta ng 10 milyong dolyar.
Napag-alaman ng independent investigation na may mga ginawang diskriminasyon si Sarver sa mga babaeng empleyado nito kabilang na ang mga “sex-related comments” at hindi wastong komento sa katawan at itsura ng mga empleyado nito.
Sumang-ayon naman si NBA commissioner Adam Silver sa naging desisyon ni Sarver at sinabing ito ang tamang hakbang para sa organisasyon at komunidad.