Pila ng mga sasakyan sa Cainta-Pasig City border point mahaba na

Pila ng mga sasakyan sa Cainta-Pasig City border point mahaba na

NAGSIMULA nang humaba ang pila ng mga sasakyan at motor sa Cainta-Pasig City border control point na matatagpuan sa Ortigas Extension sa may tapat ng SM East bandang alas 6:00 kaninang umaga Agosto 6.

Kasunod ng mahigpit na pagbabantay sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong araw.

May kaunting pagluwang naman sa pagbabantay sa naturang border ito’y kasunod na rin ng direktiba sa kanila ni PLt. Dindo Tanteo team leader ng Ortigas extension, SM EAST.

Ang mga Unauthorized Persons Outside Residents (UPOR) na pilit papasok sa border ay talagang pababalikin.

‘’Dito kasi ang border control hanggang sa dulo, ang mga UPOR na pilit papasok talagang pababalikin dahil wala silang ID ‘yun po ang dahilan,’’ayon kay PLt Dindo Tanteo.

May anim naman na border control points ang Eastern Police District kasama na dito ang may bandang  West Bank Cainta Sta. Lucia, Sumulong Highway, Lilac, San Mateo, Marikina.

Napansin naman ni Lt. Tanteo na mas kukunti ang bumibyahe na mga bus at mga jeep na nagbabiyahe mula Metro Manila papuntang Rizal province o vice versa.

Ganun din ang mga lumalabas na jeep ay nabawasan din, aniya ang mga nakikita nitong mga bus at jeep na bumabyahe ay nasa 30-40 percent na lamang sa Cainta-Pasig City border.

SMNI NEWS