Pilipinas at Brazil, nais mapalalim ang kanilang defense cooperation

Pilipinas at Brazil, nais mapalalim ang kanilang defense cooperation

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Brazil na mas palalimin ang kanilang defense cooperation.

Ito ay kasunod ng pulong nina Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr, Brazilian Special Envoy to ASEAN Ambassador Piragibe Tarrago at Brazilian Ambassador to the Philippines Antonio de Souza sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang pagkakaroon ng pilot training, pagtatatag ng bilateral defense dialogue mechanism, at framework para sa logistics at defense industry cooperation.

Naniniwala si Tarrago na ang depensa ay isa sa mahalagang bahagi ng kooperasyon ng Pilipinas at Brazil kaya magkakaroon sila ng high-level delegation sa bansa ngayong taon.

Inimbitahan din ng opisyal si Faustino na bumisita sa Brazil.

Binigyang-diin naman ni Faustino ang matagumpay na pagbili ng bansa ng 6 units ng Super Tucano aircraft sa Brazil na bahagi ng Revised AFP Modernization Program.

Follow SMNI NEWS in Twitter