NAGKASUNDO ang Pilipinas at China na magkaroon ng maritime cooperation sa kabila ng mga isyu hinggil sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon ito kay Foreign Affairs Usec. for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Sun Weidong mula sa naging 7th bilateral consultation mechanism noong nakaraang linggo.
Kasama dito ang pagkakaroon ng maritime training, capacity building para sa mga Filipino personnel, exchange visits at iba pa.
Isa rin sa target ng dalawang bansa ayon kay Usec. Lazaro ang mawala na ang mga ulat hinggil sa maritime incidents na may kinalaman sa WPS.