Pilipinas handang magpadala muli ng rescue team sa Myanmar

Pilipinas handang magpadala muli ng rescue team sa Myanmar

HANDA ang Pilipinas na magpadala muli ng humanitarian contingent para sa Myanmar kung hihilingin ito ng Burmese government.

Ayon ito sa Department of National Defense (DND) matapos nakabalik na nitong linggo ng gabi, Abril 13 ang nasa 91 personnel na bahagi sa rescue team na ipinadala sa Myanmar.

Matatandaang ang epicenter ng lindol noong March 28 ay malapit sa Mandalay, Myanmar na nagdulot ng matinding pinsala sa ilang mga rehiyon.

Umabot ng mahigit 3,600 ang nasawi habang higit sa 5,000 ang naitalang sugatan.
Nasa mahigit isang daan naman ang nananatiling nawawala pa.

Sa mga nasawi ay kasama ang dalawa sa apat na Pinoy na nawawala pa rin hanggang ngayon dahil sa lindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble