Pilipinas, hindi dapat kumpiyansa sa posibleng pagre-organisa ng Maute Group—FPRRD

Pilipinas, hindi dapat kumpiyansa sa posibleng pagre-organisa ng Maute Group—FPRRD

HINDI dapat maging kumpiyansa at isaalang-alang ang seguridad ng bansa.

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasunod ng posibilidad na pagre-group ng Maute Group.

Sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” nitong Lunes kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ng dating Pangulo na malaking banta pa rin ang Maute Group sa bansa lalo na malaki ang potensyal ng mga namumuno ng isang rebolusyonaryong grupo.

“There would never be light revolutionaries. Every member of that, it could be a group of 10, 15, 20, 1000. There are so many potential leaders there because a revolutionary has a special kind of a calibrated mind. He does not care about economy. What he only wants is to overthrow certain governments worldwide and take over. So whatever be the political persuasion of the revolting group against the status quo, would be something that you have to sort out,” ayon kay FPRRD.

Giit ni dating Pangulong Duterte, isang malaking hamon na sa bansa ang pagsugpo sa mga kriminal.

At lalo pang lalala ito kung isasama pa ang mga terorista kaya naman ani Duterte, hindi makakayang isugal ng bansa ang seguridad nito.

“But dito, we cannot afford to gamble on that. Mahirap lang tayo. Mahirap nga tayo sa mga kriminal dito. I’m not saying that there are criminals, no, far from it. Pero dito mahirap nga tayo mag-track down ng isa, dalawang mga kriminal and ito pang mga terorista.

You know, it’s because the people from the South, I am not referring to the Moro People. The Moro People is a good people. Itong mga terorista, and it traverses, the Moro walang pakialam iyan. It’s existing in Malaysia, lahat iyan. In Europe, in Ukraine, we all suffer from terrorism,” dagdag ni Duterte.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na usaping pagtanggap ng Pilipinas sa Afghan nationals kung saan sa isinagawang pagdinig ng Senado, sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Chief of Staff Manggay Guro, Jr. na may insidenteng naganap sa Marawi.

Ani Guro, parehong grupo ito ng nasa likod ng nangyaring Marawi siege.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter