ISUSULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mas maraming partnerships at collaborations sa pagitan ng China.
Sinabi ito mismo ni Pangulong Marcos kay Chinese Premier Li Qiang sa naging pag-uusap ng dalawa sa ASEAN-China Summit nitong Setyembre 6, 2023.
Sa kabila ito ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Pangulong Marcos, maaari pa rin namang magkaroon ng ugnayan, kapayapaan, seguridad at katatagan sa dalawang bansa na nakabatay sa international law.
Sa ASEAN-China Summit ay muling iginiit ni Pangulong Marcos ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na naayon sa 1982 United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Kamakailan lang ay inilabas ng China ang bago nitong 10-Dash Line Map kung saan halos sinakop na nito ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa South China Sea.